KPUB MEAT ALL U CAN!

Weekend!!! Tama walang pasok pero hindi para sa amin. May pasok pa ko ng sabado pero ok lang din naman kasi wala namang madaming bukas na branch ng bangko kaya hindi maciadong stress dahil konti alng ang calls.(buti naman). Kaya kahit na pagod pwede pa din kumendeng ng konti.
Niyaya ko ung dalawa kong kaibigan na beki si MOnch at Gheri (single sila kaya palageng available, kahit saan at kahit anung oras) Gusto sana nila kumain sa KEBAB FACTORY matagal ko na kase sinasabe sa kanila na masarap don pero nung pinuntahan namen, under renovation siya (malas ka Bimby!). Tsk, nagisip tuloy kame ng makakainang iba na pwede namen lakarin atsaka mabubusog kme. 
Naalala ko tuloy 'tong KPUB MEAT ALL YOU CAN , hindi ko pa cia natra try pero pag nakikita ko kase cia sa gabi parang inviting ung dating, parang sinasabe nia, "halika kumain ka dito, nangaakit" makulay kase siya. Dahil wala pa sa amin ang nakakapag try neto,ayun, dun kme nauwi.

\

Eto cia sa gabi.Sa highstreet ang loacation nia (kung saan madalas makita ang mga party people at high end na mga restaurant)


10:00 am kme lumabas sa office, 10:30 kme dumating sa kpub (naglakad lang kc kme galing sa opisina), hmm naghahanda pa lang sila, naglilinis atska hindi pa bukas. 11:00am pa ang bukas ng resto, pero infairness mabait ung receptionist pinapasok na kme kaagad at pinaupo kme sa couch nila na masarap higaan. Inantok nga ako ng very slight dun eh.(hehe) Si ate nakakatuwa binigyan kme ng tig iisa nameng tubig, napansin nia siguro na muka kaming haggard.


after 48years, pinapasok na kme ni ate sa loob. infairness, malaki ung loob,maganda at madaming ilaw. Meron din silang private rooms kaya kung gusto niong mag alone time, o kaya naman meeting at ayaw niong makihalo sa iba pwede kau mag pareserve,libre na pag umabot kau sa 10 tao at iavail nio ung no limit promo. Binigyan kame ni ate ng dalawang option:


1.beat the clock/ eat and run PHp499 -assorted side dishes
-steamed egg
-kimchi pancakes
-mixed salad greens with house dressing
-choice of kimchi fried rice or steamed rice
-soup of the day
MEAT CHOICES tulad ng:
-pork belly
-sweet n spicy pork belly
-tender pork in marinated soy and garlic
-marinated chicken fillet
-sweet n spicy chicken fillet
-beef sukiyaki

DESSERT-
Shike nakalagay sa shot glass. matamis na may kanin na hindi ko alam parang may syrup. tikaman nio na lang para malaman nio

2.NO LIMITS php899 kasama dito lahat ng nasa eat and run PLUS Special bbq
-marinated short ribs
-rib finger
-beef n soy garlic
-cross cut short ribs
-pork belly marinated in red wine 


Tinanong ko si ateng receptionist na kung siya ang tatanungin anu sa tingin nia ang pipiliin nia? Ang sabi nia sken ung eat and run, ilang beses na daw cia kumain don haha (malamang diba?) buti na lang hindi showbiz si ate. Sulit na daw ang eat and run sa amin.
Eto namang nasa babang picture siya si JING JANG JU hehe joke lang, hindi ko na maalala ung pangalan.Koreana siya, pero matagal na sya sa pinas. Siya ang nag grill ng mga meat, tinuro nia rin smen kung anung masarap at panu to kainin.


Maganda ung lugar, my bigscreen sa harap at may stage na maliit kase daw sa gabi mag nagpeperform dito.Lahat ng mga waiter nag eenglish (mas magaling pa yata sken),ok din sila kase kahit ilang beses kme magpapicture ok lang lang sa knila.

Sa totoo lang aaminin ko foodie ako at nagustuhan ko siya, hindi ako fan ng korean food pero nasarapan ako.Malamang bumalik ako dito, gusto ko siya ipatikim sa nanay at tatay ko.



 Korean steamed egg

Meat on the go!

Yummmmmmy!!!


eto ung salad, mga 6x namen cia inorder

si JING JANG JU sabi ko ngumiti. Bilin nia, dapat daw pumunta kame dun ng gabi para makita namen ung nag peperform, pero sa gabi daw madalas madaming tao kaya hindi masiadong nabibigyan ng special treatment lahat ng customers (katulad ng ginawa nia sa amin). Sa gabi kung gusto nio pumarty, meron silang bar sa taas. Open hanggang 3am.


All in all nag enjoy kme. 2 thumbs up KPUB meat all you can!!! Huwag kayong mag alala dahil hindi naman maguumpisa ang oras hanggat hindi pa kayo nag iihaw, so saka lang tatakbo ang isang oras nio once na inihaw na ung meat sa griller.Kaya ngumuya ng mabuti, Hindi bawal. hehe

P.s
Korean ang peg ng resto, kaya kung mahilig kau sa kpop ok na ok to.
Meron din silang ala carte kaya kung hindi nio gustong mag pakabusog masiado pwede din.



K-PUB BBQ MEAT ALL YOU CAN
The Fort Entertainment Complex Center
28th Street corner 5th Ave. Bonifacio Global City, Taguig City 1634
Telephone: +632 847-1961, 847-3098, 847-0232
Operating Hours: Monday to Sunday, 11.00am to 3.00pm, 5.00 pm to 3.00am

Website: http://kpubbbq.com/


Para sa may mga tanong o kaya kung gusto niong magdagdag ng information pwede po kayo magiwan ng comment.Salamat!

This entry was posted on Wednesday, July 10, 2013 and is filed under ,,,. You can follow any responses to this entry through the RSS 2.0. You can leave a response.

Labels

About

Popular Posts

Followers

THANKS FOR VIEWING

my instagram

B