TEXAS ROADHOUSE GRILL

Weekend + payday = LAFANG!!!

Gaya nga ng sabi nila ang mga Librans, sila yung mga YES MAN (mga taong hindi marunong tumanggi) lalo na sa mga kaibigan. True for vladz and monch,ang mga YES man na libra! Isang yaya lang go na agad.
Si Vlads ung boyfriend ko,mahilig siya kumain sa labas, mahilig pumatol sa promo, lage kase siyang nakakakuha ng promo sa mga bangko dahil sa mga creditcard nia (salamat sa BPI,METROBANK,CITIBANK,EASTWEST,at HSBC).
at siyempre dahil sweldo,nagkayayan kme nila monch at gherri (na lageng go basta kainan) na kumain sa labas.Nakita kase ni vlads na may promo ang metrobank sa ROADHOUSE TEXAS GRILL na 40% sa minimun purchase na PHP3500.
 


The resto opens 11:00am till 11pm. Since maaga kame dumating wala kaming choice kundi magstay muna sa labas at dun magchikahan ( dahil sa chikahan may lakad nanamang naplano on the 27th) hehehe.
Finally,may babaeng naka cowboy peg ang lumabas at nagtanong ng headcount namen. Napansin ko lang, smiling face silang lahat tsaka halos lahat sila maganda (tulad ko) hehe.joke lang(makareact naman kau kaagad)
                            

Ininform namen cia na i-aavail namen ung promo ng metrobank na 40% off pag naka minimun purchase ng Php3500 at pumayag naman si ate.Kinuha nia lahat ng orders namen agad tapos iniwanan kame ng isang bucket ng mani (oha)


After a while, bumalik si ate para sa isang napaka gandang balita (lunok) hehehe. Kelangan yata namen bayarin ung inorder namen ng regular price in short HINDI AVAILABLE UNG PROMO (nganga,lunok,hingang malalim). Lahat kame nagulat,tinanong namen kung bakit, "its only good during weekdays maam" lahat kame lumaki ang mata. Minsan naisip ko magandang tulong din na nagtratrabaho sa call center  kase alam namen kung panu ihandle ang mga ganitong sitwasyon.
We asked her to inform her manager right away,(english). So ung manager (i forgot her name) pumunta sa amin at tinanong kung anung problema. Inexplain namen na hindi namen alam na may disclaimer pala ang promo ng metrobank at un nga nakaorder na kme etc. , Surprisingly, the manager granted that we can use the promo today as an exception. Wohooooo!!!(nakahingang malalim). Buti na lang pina total na namen agad ung order namen bago pa iserve.(hehe) Saludo ko sayo manager ng Bonifacio high branch!!

After a few kembots: ORDERS READY!!! TADAAAAAAAAAAAH!


Sta. fe Nachos! PHP 350 Hindi cia ung usual na nachos, para ciang coated nachos.
i LOVE it!!!


Our main pasabog!

Flat iron steak (medium rare) PHP650 Sides are well browned. top & bottom parts are dark (arggggh) and most of the center part of is pink.Bago kong paborito.


El Paso fajitas combo (Beef and chiken fajitas)  PHP420 hmm walang maciadong pasabog at kiliti to


Seafood marinara pasta (Hindi ko maalala ung presyo pero mga around PHP495) mixed seafood pasta in red sauce. (kayang kaya ko gayahin)


Jesse James platter PHP430 buffalo wings, cheesesticks & chicken meat with salsa, garlic sauce and cheese dip. mouth watering.


Pita PHP60 per order (3 pitas per order)

            

Baby back ribs PHP795 full rack delicioso!!!


Desserts for our sweet tooth !

chuckwagon's fruits in ice cream PHP230 in short banana split.


Apple crumble PHP195 honey my love so SWEET!

Ang maganda dito since western resto cia, ung serving nila eh good for sharing na, so kung hindi naman kalakasan kumain ung mga kasama nio pwede kayong umorder ng iba iba tas mag share na lang kau. (awww,sweeeeeet)

Aprub!



BimBy & monching so takaw

excited

say cheeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeese!!!

Texas roadhouse grill
Fort Bonifacio, Taguig
bldg 1,11th avenue
Metro Manila Philippines
(02) 856-1547
Website:http://www.texasroadhouseph.com/


Para sa may mga tanong o kaya kung gusto niong magdagdag ng information pwede po kayo magiwan ng comment.Salamat!



 

This entry was posted on Saturday, July 13, 2013 and is filed under ,,,. You can follow any responses to this entry through the RSS 2.0. You can leave a response.

Labels

About

Popular Posts

Followers

THANKS FOR VIEWING

my instagram

B