Walang halong biro, if I were to choose between lomi ng batangas o lomi ng chowking? Dito ko sa loming totoo!Walang talo at talaga namang the best ang lasa. MALAMAN AT MASUSTANSYA haha.
Panu nga ba kumain ng LOMI sa batangas? Anu bang mga sangkap neto? Well, hindi po ako marunong magluto ng lomi ang alam ko lang po ay ang pumunta sa masarap na kainan ng lomi. Hahaha
1.una umorder ka, special o regular. Ang pagkakaiba lang eh yung dami ng sangkap neto. ( kikiam,bola-bola,itlog,atay at chicharon)
2. Habang inaantay mo ang order mo ihanda mo na ang sawsawan.
Calamansi
Sili
Sibuyas
Bawang
At ihalo ang toyo
3.Humingi ng plato. Pag dating ng order mong lomi, doon mo ilalagay ang kakainin mo? Bakit? Dahil hindi masarap ang lomi ng hindi mainit. Kaya habang mainit kain lang ng kain!
Sanay kami ni vlads na kumain ng lomi sa mga tabi tabi lang pero ngaung huling uwi namen sa batangas,sinubukan namen sa kumain sa LOMI KING.
Sabi ko nga, kung may lomi king ako naman ang lomi queen. Kahit lomi ang ipakain ninyo sa akin simula umaga,tanghali at gabi. Ok na ok sa akin!!
Sa halagang PHP 40 may special lomi ka na.
Hehehe.happy eating!!!!
3 Responses to “ANG TAMANG PAGKAIN NG PABORITO KONG LOMI!”
nagutom ako! haha
Hehe nakakagutom talaga. Iba talaga ang lomi ng batangas... Salamat sa comment mitch!!!
Hi Xan, kabayan pala tayo. Anyway, salamat sa pag-follow sa blog ko, sensya na at ngayon lang nakakadalaw sa mga dumalaw at nag-follow, followed you back just now.
anyway, love ko din ang lomi, di ako umuuwi ng batangas na di nakakakain ng lomi, and just now, I'm craving for it. hehe...
Post a Comment