Halong kaba at excitement. Honestly, we waited for 6 mos para sa first trip na to but it was worth the wait. Since it was my first time, I wanted everything to be planstado. Ofcourse kelangan paghandaan ang outfit buysung akes from head to toe (ayaw kong magpatalo).
Dahil wala kame kakilala na taga Davao, nag google talaga ko at halos nabasa ko ata lahat ng blogs about sa Davao but what really caught my attention eh ung PEARL FARM. so whats in pearl farm? ahhhh taniman ba cia ng pearl? (keme). Pero in all seriousness naman po super curious ang lola nio kung anu ba talaga ang meron sa pearl farm.
I visited the site http://www.pearlfarmresort.com/ to further check on the rates and pictures of it, nalula akes.Bumula ang bibig ko.
Halos lumuwa ung mata ko. Price ranges from 7k-10k per NIGHT?!!!! Kasama ang breakfast,lunch,dinner and use of the resort amenities FOR ONE NIGHT. So, hindi nako umasa. Dedma na sa pearl farm.haha.
Gaya nga ng sabi ko isa talaga kong batang mapangarap.More basa pa din ako ng blogs about Davao.
May nakita akong page sa google na nagooffer ng 4 days 3 nights Davao tour package kasama ang one day Samal trip, one whole day tour sa pearl farm (with buffet lunch),one day city tour,hotel and accomodation pati service kulang na lang pati paghinga mo isama pa nila. Hindi ko na nga lang talaga maalala ung link ng website nia at pangalan nia( 2 years ago na po kc,ngaun ko lang naisip gumawa ng blog about it). Kaya itago na lang naten sa cia sa pangalang "aters". Tinawagan ko cia agad agad,di na ko nadalawang isip pa dahil madali din naman kausap si aters we ended up with a PHP7999 per head deal.
Good deal na siya para sken,at un na din ung pinakamura kong nakita,I tried to ask for more discount pero sabi nga ni aters mababa na daw yun and aside from that first timer ako kaya ayokong makipagbargain.
Atlast Hello airplane and hello Davao! No more backing out, our flight was a bit rough kc more ulan sa taas so more dasal ang lola nio the whole flight. Good thing i have my strength beside me, c vlads (pero nung una dedma cia at more ipod c kuya) pero siguro nung nakita na nia kong namumutla at namumuti na cguro ang labi ko sabi nia easy lang daw tska wag na ko matakot kase parang bus lang naman ang eroplano.
Tuwang tuwa ako sa galak
With vlads
Touched down in Davao international airport at 5:30 in the morning wohooo! Davao international airport looks ok, its not that big but its properly maintained. Nung dumating kame sa airport si aters nagaantay na pala sa labas. Ka edaran lang din cia ng mommy ko at c aters hindi nagpatalo sken sa kadaldalan,hehe.Dinala nia kame sa hotel agad at binilinan na eksaktong 8:30 dadating ang sundo namen.The hotel or should i say hostel looks nice and clean so if ur not that choosy and maarts like me ul be fine with it. Kumembot kame ng mabilis sa fudang at nagchange outfit para fresh kme the whole day. Infairness kay manong driver, totoo nga 830 nia kame sinundo.
D'Counter Executive Dormitory
15-B Jose Camus St., Davao City
Tel. No. +6382. 226.2045
Fax No. (082).221.8651
15-B Jose Camus St., Davao City
Tel. No. +6382. 226.2045
Fax No. (082).221.8651
unang hinto,SAMAL ISLAND!
Binyahe namen ang samal ng mga 30-40 minutes, from the port you would have to ride a roro para makakendeng sa kabilang banda. Since, we have our own service na sosyaling van,we went down to do sight seeing sa island at dahil pier cia hindi cia kagandahan pero dedma na kc kahit paano fresh pa din ang hangin.
Ship, ship and more more ship! Kalerks
Our first travel plan:
MAXIMA AQUA FUN RESORT, INC.
Location: Brgy. Cawag, Penaplata, Island Garden City of Samal
Telephone no. (082) 282-23-39, 271-26-26
Telephone no. (082) 282-23-39, 271-26-26
Nasa liblib na lugar sya, I didnt expect na meron pa lang nakatagong resort sa tahimik na lugar na un at guess what my GIANT SLIDE pala.Vlads and I were so excited to try it pero it was lunch time when we arrived so the operator was out of reach. Inviting ang giant slide but scary rin , i guess its more of pang mga adventurous people (im not one of them) kaya nevermind cia sken. The good thing about the place are the activities that you can try if you are not brave enough to try the giant slide like diving,snorkling,swimming and fish feeding. I enjoyed the fish feeding part kc parang nasa spa ka kinakagat nila literal ung mga dead skin ko (dead talaga?!) haha.
Im not the adventurous type of person so Hindi ako maciadong kinilig sa maxima. :)
2nd on our travel plan: MONFORT BAT COLONY MONFORT CAVE. I think the picture says it all
Ang daming paniki.Ang kulet, hindi sila lumalabas sa kweba,pero malaya naman sila makakalabas,ibig sabihin naalagaan sila ng mabuti kase hindi sila umaalis.
Sumunod ang HAGIMIT FALLS. Ok lang siya para sa akin. Hindi kame masiado nagtagal dito naligo lang ng konti tas umalis na din.Natatakot kase ako sa mga ganitong nature,naniniwala pa rin kase ko sa mga diwata at mga bagay bagay na di nakikita. Madaming falls dito, mga pito ata pero dalawa lang ung pinagliguan namen.
Inabot na din kame ng hapon ng hindi namamalayan. Ang sabi ng service namen dapat daw before mag 5 makatawid na kame pabalik ng samal, dahil daw traffic na pag ganitong oras kaya mahirap na makauwi ng maaga dahil ilan lang naman ang roro.
Isa sa davao ang maraming masarap na pagkain. Nagresearch ako at ang sabi dapat daw hindi pwedeng d magpunta sa LUZ KINILAW. From our hotel, nagtaxi pa kame mga 15 min lang andun na kame at infairness ang mura ng pamasahe.
Nasa highway lang ang luz kinilaw kaya di pwedeng di mo makita agad at isa pa sikat din siya kaya malamang alam na rin ng taxi driver kung san siya pupunta.
Luz Kinilaw Place
Quezon Blvd., Davao City
226-4612 / 221-8377
Quezon Blvd., Davao City
226-4612 / 221-8377
Pagbaba pa lang namen nakita na namen ang super daming iniihaw sa tapat neto,ibat ibang klase ng isda ang nandun at depende rin ang presyo.karinderia ang peg ng kainan na to, kelangan mo umakyat sa 2nd floor dahil andoon ang kainan. Dahil dalawa lang kame, good for 2 lang ang inorder namen. GRILLED TUNA AT SINIGANG NA TUNA. Infairness, masarap talaga siya.
2nd day: PEARL FARM
Yes! Kasama sa package namen ang day tour sa pearl farm with buffer lunch. Sinundo kame ng maaga ni kuya para ihatid sa port where all guest for pearl farm are being picked up. Sobrang maaga mga 6am, mejo makulimlim pero di naman umulan (salamat, kundi nasira ang beach keme namen).
Before ka umakyat sa boat, staff will give you one complimentary water bottle dahil 1 hr ata halos ang byahe papunta sa samal pearl farm, they have their boat at halos ata lahat ata ng kasabay namen mga koreano.( mejo maiingay sila,pero oks lang).
Bago kame dumating sa mismong pearl farm, nakita ko to. Hindi maganda sa paningin pero sa tingin ko wala naman magagawa ang government dahil parang mga native ata ang nakatira dito, nakakalungkot dahil mejo marumi tignan at mejo malapit na siya sa resort so lahat ng dumadaan papunta sa pearl farm nakikita to. Nalaman kong malapit na kame sa pearl farm dahil may sumalubing smeng dalawang jetsi na paikot ikot sa boat namen (mga pasikat) at nalaman ko pakulo pala un ng resort, their way of welcoming their guests.
Kung anu ung nakita ko sa picture ganun na ganun siya sa personal. Sobrang ganda.
The moment we stepped out of the boat, winelcome kame ng staff with iced tea at may kasamang sayaw at kanta. Sa super saya ko, dinedma ko sila at nagpapic na lang ko ng nagpapic (halatang first time)
The water is green, kakulay na damit na suot ko. Hindi pa maciadong tirik ang araw, konti lang ang tao dahil mahal nga daw dito,( kaya feeling ko mayaman ako) more pics galore ang lola nio. Bago pa kame makapasok, mag nag bigay muna sa amin ng briefing kung anung saan ang mga lugar na pwede namen ikutin,saan ang spa,ang creativity room, at kung panu pumunta sa kabilang island. Pagkatapos nun binigyan kame ng towel pero walang locker (may bayad, kaya di na ko kumuha).
We waited till lunch bago kame pumunta sa kabilang island dahil may oras ang lunch buffet nila. Nagsstart from 11am-2pm. More swim at more pic muna kame ni vlads.
LUNCH TIME (BUFFET) included on the package deal
Masarap ang pagkain. Centrum!(complete). hehehe name it they have it. wala kang hahanapin.
two thumb up PEARL FARM. Napaka polite at napaka accomodating ng mga tao. Pumasok akong basa ang damit, dedma lang sila. hahaha. Binigyan pa ko ng towel na bago. ayus!
NEXT ISLAND. tumawaid kame sa kabilang island using a private motor boat. Infairness, hatid sundo!
JET SKI!! Mejo mahal pero minsan lang naman so go pa din!!
DUYAN DUYAN!!! Kame lang ang tao that time.
(vlads anu ba yang chanelya mo)
Villas on the other side(island) of the Pearl farm
infinity pool
Happy kid. This was taken on top of the Island where most of the rooms are located. In order for you to go up in here ,kelangan mong kumuha ng service mo at ipagdridrive ka nila.They have a golf cart that you can use (take note: this si libre wala po itong bayad.) We had our picture taken by kuya para kunware pinagdridrive ako ni vlads.
Jump shot!!!
We stayed there for more than an hour, kahit na mejo mainit, masarap sa pakiramdam. Sa mga gusto mag muni muni pwede dito mag stay sa gabi. mag star gazing.
Abangan nio pa po ang kasunod neto. :)
Post a Comment