SUPER SATURDAY FOODTRIP (TORCH+BURGOO)

Time to eat and relax (again and again..). Si vlads kagabi pa nagcracrave, pero hindi nia alam kung anu (naglilihi?!!) basta ang gusto daw nia kumain ng masarap.Naisip namen kumain sa estero(manila), pero dahil malayo siya at ayaw naman nameng mastress sa byahe naghanap kame ng malapit lang na kainan. As usual si vlads nakakita nanaman ng promo online BUY 1 TAKE 1 RAMEN sa "TORCH"  located in connecticut street near greenhills mall (shala diba?). May OT ako maya pero ok lang kase ilang oras lang naman yun kaya pwedeng kumendeng ng sandali. Niyaya namen ung mga bida sa blog ko, c gherrie at monch (sana naman may iba) at as usual GO ulit sila. Iniwan na namen ung kotse sa office kase ayaw namen mamroblema ng trapik sa edsa at parking sa mall.
  

Hindi namen alam ung eksaktong lugar ng resto kaya nagpababa na lang kme sa greenhills mall. Salamat sa google map nakita din namen siya. Grabe, nilakad namen ang kahabaan ng street na yun, muntik na kme umabot sa edsa (mainit pa, kaya hulas). Malapit lang ung resto sa Belo medical clinic greenhills. Pag galing ng greenhills direchohin nio lang ung connecticut street nasa left side sia sa tabi ng parang home depo.
I asked my 2 bekies na mag pose sa facade ng resto (ung dalawa naman uto uto, muntik na tuloy ako masuka d pa man din ako nakakakain)hehehe. peace gherri and monch!


Maaga kame dumating don, wala pang 11am, so wala pang customer. Sinalubong ako ni ate, tinanong nia kung ilan kame tapos tinuro nia sa amin kung saan kame pwede umupo. Malaki ung lugar,meron tables sa loob at labas.Muka syang japanese inspired na resto at walang gaanong anek anek sa loob, simple lang. Mga bamboo stalk ang nagsisilbing divider sa ibang part ng resto. maganda din ng lighting ng lugar,masarap mag picture (nakakakinis)hehehe.






Umupo kame sa may bandang dulo,Nakita ko si vlads tumatawa. Hindi ko alam kung bakit tapos pinakita niya to. BUY 1 TAKE 1 RAMEN "EVERYTIME IT RAINS" hahaha ang pinaka nakakakatawang promo na narinig ko sa restaurant. Bakit ba lage na lang kame nabibiktima? (next time, magbabasa na ko kung may disclaimer at aalamin ko ng mabuti ang mechanics ng mga promo-DI NA NATUTO) hehehe.
Pero hindi pa din kame nainis, natawa pa kame. Nakipaglokohan pa kame sa waitress. Siyempre nandun na kame diba, bakit pa kame aalis? Sabi nga nila "kapag binato ka ng tinapay, palamanan mo saka mo kainin" teka,anung connect?!


O diba?Ayus no. Good catch! Monch and vlads ordered PORK RAMEN PHP279.95 AND BEEF PHP 289.95 kame naman ni gherrie we opted to eat a not so heavy meal kaya trinay namen ung APPETIZER SAMPLER PHP495 which includes TRUFFLE FRIES,CHILI CHEESE CRISPERS,BUFFALO ASIAN WINGS and TEQUILA LIME CHICKEN SKEWERS . i love the dip cause it leaves an after taste of something that we cannot identify (captivating taste). Ang hindi ko lang bet ung chicken skewers kase parang wala lang, wala ding dating sakin ung suka pero the best yung chili cheese crispers at truffle fries nila. Meron naman silang ala carte kaya pwede nio din sila orderin ng ganun kung un lang ang gusto nio.


a shot glass of spicy vinegar for the chicken skin

                                      

                                                        all time fave! CAlifornia  maki.



it comes with these cute wasabi with a smiley!



nothing special about the ramen



ramen was not even hot.


Torch restaurant all in all is perfect from the presentation and concept but not so much with the taste . I look forward to visiting again soon, try a different menu and maybe create another review (SANA NEXT TIME UMULAN NA)


                                                           hash tag hash tag lang!



TORCH
Home Studio Building
63 connecticut st, Greenhills, San juan Philippines
+6324773771 


BURGOO.

after torch, we decided to go back sa greenhills para maglakad lakad at magwindow shop ng konti para naman bumaba ng konti ung kinain namen.May plano pa kase kaming kumain sa isa pang may promo.
natapos kame mag shopping (sila lang pala, ako kawawa naman) ng 4 ng hapon. Hindi pa ko gutom pero uhaw at pagod na ko kakaikot sa ghills ng wala namang nabili ni isa (grrr). Pumunta kame sa BURGOO at doon nag meryenda. Bakit doon? of course thank u CITIBANK. I've tried it once at uulitin ko ulit.Meron silang promo 50% off for a minimum purchase of PHP2500.Again, nagcheck ako ng disclaimer at bago kame pumaosk chineck ko muna sa receptionist na nakabntay sa labas. (para d naman nakakahiya). At infairness sa citibank walang ibang mechanics. So go sago na to!



The good thing about burgoo is that its good for sharing. they also have platters for appetizer. Pwede mga 5-6  na tao.
                                             
                                             PHP 595 LARGE SUPREME SAMPLER
BUFFALO WINGS,CHEDDAR CHEESE FRIES,MOZZARELLA STICKS AND LOTS OF ONION RINGS



ang mga bidang kontrabida



                                                  SHRIMP ARRABIATA PHP395
    FRESH SHRIMPS,MUSHROOMS,TOMATOES BASIL AND CHILI IN VODKA SAUCE

HMM.. hindi eto maciado kasing sarap ng pangalan nia. SAKTO LANG. Maanghang. Bawal sa may mga allergies.


                                               SEAFOOD AU GRATIN PHP395
FRESH SHRIMPS,CALAMARI,MUSSLES AND CLAMS COOKED IN PINK SAUCE AND BUCATINI PASTA, GRATINATED IN MOZZARELLA AND PARMESAN CHEESES

So sarap!! ur gonna love this. Walang duda babalikan ko to. Lahat kame nsarapan sa kania.


                                                      Creamy and spicy. walang itatapon..


Hindi na kame nag order ng main course kagaya ng steak dahil gusto namen madaming ma itry. Grabe sa ngalan ng blog at ng promo binusog ko ang sarili ko.

PIZZA SAMPLER LARGE PHP575
a combination of 4 different pizza lavors of your choice  


HAWAIAN,  FRUTTE DE MARE,GARDEN FRESH,PEPPERONI


Grabe, i so love this promo citibank. Napag alaman namen na talagang naka tie up pala sila with citibank kaya lage silang may ganitong promotion. Since we need to come up with a total of PHP2500 nag order din kame ng 3 bottomless iced tea (pang dagdag).

ofcourse it wouldnt be complete w/out a dessert na hinihintay ko talaga. my favorite cheesecake.


MY OHH SO SWEEEEET STRAWBERRY CHEESECAKE PHP195


                              MY OHH SO YUMMY OREO CHEESECAKE PHP195


Sabi ng mga beki di nila type, maciado daw maalat pero para sa akin ok lang.Basta ang alam ko nasarapan ako. This one is definitely a must-try. Mula sa service hanggang sa presentation at lasa, ok para sken.

Visit their website: http://www.burgoo.ph/ for more pasabog na laps



BRANCHES:
POWER PLANT
GATEWAY MALL
SM MALL OF ASIA
TOMAS MORATO
THE PODIUM
GREENHILLS SHOPPING CENTER
SM THE BLOCK
ROB GALLERIA
SM MARIKINA

Para sa may mga tanong o kaya kung gusto niong magdagdag ng information pwede po kayo magiwan ng comment.Salamat!

This entry was posted on Monday, July 22, 2013 and is filed under ,,,,. You can follow any responses to this entry through the RSS 2.0. You can leave a response.

Labels

About

Popular Posts

Followers

THANKS FOR VIEWING

my instagram

B