Masiramon
I decided to create a separate post for the restaurants we tried in Bicol. I love food, so I think mas bet ko kung mag bigay ako ng konting unbiased review about the restauants at pagkain na natry ko sa Bicol. Honestly 2 ang goal ko kung bakit ko gusto mag Bicol.
1.To go to Misibis bay ( mag paka feeling mayaman ng isang araw)
2.To eat authentic Bicol express.
I guess I was able to achieve both of it. (sabi ko nga, ACHIEVE NA ACHIEVE!!!!!)
1st try: WAWAY'S
Bonot, Legazpi City
Phone (052) 4808415
From the airport, we went straight to WAWAY'S. We were so hungry that time na inuna talaga namin ang kumain. Dedma muna sa things to do at sa hotel. We didn't know that this resto serves a buffet lunch and ala carte as well. Buffet starts at 11 PM but they are open as early as 9AM for ala carte orders. At dahil tommy kame ng bongga we opted the buffet lunch and waited for 2 hrs. HUWAT?!Thanks to waway's kind waiter for he allowed us to stay inside, use the WIFI and charge all our gadgets.
FOOD:
It's a buffet lunch but here are the top 3 dishes that you should not miss to eat when you go to WAWAY's.
BICOL EXPRESS: kaloka!!!!! puro sili, isa yata itong pagkain sili ang main sahog at ang karne eh hinalo lang..Uminit ang tyanelya ko dito. Super sarap!!!
PINANGAT- para siyang laing na hindi ko maintindihan... hahaha. pero good job to masarap din. May gata at may anghang na madami.
GULAY NA NASA GATA- damang dama ko na ayaw ng mga bicolano ang gata.. Masarap!!!
Aside from these 3 amazing bicolano dishes they also serve appetizers, soup, inihaw, at libre din ang juice.
PHP 250 is not bad at all. Dont miss this out when you go to Albay. Not sure if they have other branches but this one is just near the airport kaya pwedeng pwede kayo bumisita before kayo umalis sa legazpi. GOOD JOB WAWAY'S!!!!!
2nd: 1st COLONIAL GRILL
villa amada building
rizal st.,Sagpon
Daraga,albay
This is the home of the "SILING ICE CREAM"..... HMMM.. Iniisip ko pa lang napapalunok na ko. Para kasing hindi ko siya ma take. In spite of that nakakalokang pananaw sa lasa ng sili ice cream, hindi pa rin kame nag paawat at pinuntahan pa din namen ang 1st colonial to try their specialty as well.
Colonial's version of BICOL EXPRESS. - The best bicol express I've tasted in our stay. Not too spicy and the gata melts it your mouth.
BUKO CHOPSUEY- Eewwy pakinggan at isipin pero sabi nga nila dont judge the book by its cover cause you're not a judge. haha waley!!!! Masarap to. pangalawa sa pinaka bet ko.
TINUTONG NA MANOK- XXX triple x. Hindi ko bet. Manok na may saging. Si ateng waitress ang may sala kung bakit namen na order to. Best seller daw, pero not for me and my panlasa.
TINAPA RICE- isa din daw sa patok sa colonial. I think they also serve UNLIMITED tinapa rice, napamahal lang kame kc nga hindi namin alam at ito ang ni recommend sa amin.. salamat ate ha. hehehe
CRISPY PATA- NORMY!!!! Nothing special.
SILI SHAKE - anghang na di mo inakala. I can't describe the taste. It's sweet but there's like a hagod of "hang-hang" sa dulo. hahaha. I DONT LIKE IT.
PILI SHAKE - Masarap. Refreshing. From the root word "PILI" hahaha made of pili nut siya..
Hindi ko masiadong gusto ung food. Ang inoffer kc ni ate sa amin ung mga mahal hahaha,pero may nakapagsabi samen na meron daw silang combo meal worth 100-125 per head. Sorry kame kase hindi namen nakita yun. Since kilala sila for having the sili ice cream, siguro un na lang ang pwede ko irecommend dito samahan nio na ng buko chopsuey!! PRICE IS OVERRATED 1st COLONIAL!
3rd stop: BIGG'S DINER
Rizal st., Daraga,Albay
Branches: Pacific Mall
Embarcadero
I heard that this is considered the JABI of BICOL. Chicken and fries and peg. Mukang sosyalin tignan dahil vintage ang peg. HMM... ang tanong????????????????????????????????????????????? Malalaman naten.
BIGG ba ang quality? o BIGG ang charge?
Vlads ordered BACON CHEESE BURGER WITH FRIES. His verdict - "Expensive for its taste"
My SALISBURY STEAK - check naman siya for me. Mas masarap kesa sa Jabi. Sa pag kakatanda ko PHP125 lang cia, so not bad.
Garo's GOTO AT TOKWAT BABOY - I remember seeing her face na dismayadong dismayado, pero dedma na lang daw kasi mura lang naman. Wala man lang daw sauce ang tokwat baboy. hahaha..
Emets and monching ordered the BUDGET CHICKEN MEAL. A chicken and bbq combo.
The verdict? " Sana nag Jabi na lang tayo". hahaha natawa talaga ko dito
Ang pinaka nag mamagandang order sa lahat GHERI'S TENDERLOIN STEAK w/ MASHED POTATOES.Ang reaction ng bakla? "NORMY" Wa nia bet!!!!
Well, we all have diffent tastes when it comes to food. Some may find Bigg's as super sarap pero maaring sa iba naman wala siyang kwenta. Depende yun sa panlasa ng bawat isa sa atin. Ang masasabi ko lang nakakaproud na ang Bicol may napapagmamalaking BIGG's DINER. As for my hatol, I WONT RECOMMEND this resto specially sa mga turistang nag titipid or dun sa mga backpackers. ITS NOT WORTH IT BIGG'S!! peace.
excited pa bago pumasok sa BIGG's. |
4th: SMALL TALK CAFE
051 Dona Aurora St.
Legazpi City
Phone : (052) 480-1393
A small talk in a small Cafe. This one is really cute. It looks like a house na ginawang resto. Pero wag niong maliitin ang small talk dahil kahit small siya big time naman, may guardo versosa sa labas at bongga ang interior! Wala naman talaga sa plan namen mag small talk cafe but since kelangan namen antayin ang boys para magpalit ng mga damit nila at makagimik after dinner, nag antay kame sa small talk cafe at nag try na rin ng food. MEMA lang.
Here's what we ordered:
PILI PIE - its not too sweet. I like it. Hindi nakakasuya at infairview PHP 55 lang siya. BEST BUY!
BLUEBERRY CHEESECAKE- Of course hindi mawawala sken ang cheesecake. Panalo din siya for me.
Di nakakasuya ang lasan.
MAYON RAVIOLI PASTA - eto talaga ung totoong pasabog sa small talk cafe!!! As we all know ravioli is an italian pasta usually filled with meat or cheese. Pero dito sa small talk, PINANGAT ang nasa loob ng ravioli which is truly unique at hindi na rin cia masama for the price of around PHP90
5th: SIBID SIBID
Peñaranda St., Bonot Legazpi City
I'm not really sure what SIBID SIBID means in BICOLANO but whatever it is I'm sure it has something to do with seafoods. Halos lahat yata ng specialty ng sibid sibid ay seafood dishes.
Let's see kung nakapasa ba siya sa mga feelingerong taga suri:
BICOL EXPRESS TINUTONG na MANOK
Bet na bet ang Bicol express. Kung makikita niyo hindi ganun ka OA ang sili, pero ang lasa panalo!
Saktong lasa. Kung mag cocompare ako ng Bicol express sa iba kong nakainan eto ung isa sa mga nagustuhan ko.Sa tinutong naman, mas ok din. Kita mo ang manok at hindi puro saging lang.
ENSALADANG TALONG - Normal lang pero paborito ko kasi ang ensalada kaya ang masasabi ko check na check din to para sken.
SIZZLING SEAFOOD - ang hang hang mo!!!!!! Pang pulutan sarap isabay sa beer!
CALAMARES - isa to sa pahabol order namen,dahil lahat kami nag extra rice. OK naman cia. SO_SO.
SIZZLING ULO NG PUSIT - another pampulutan. May hang hang at may gata ng konti. Di ko madescribe, pero lahat kame nasarapan cia.
HOMEMADE MANGO ICE CREAM- TWO THUMBS UP.
Lahat kame lumabas ng may ngiti sa labi. HAHA. I think this is the resto to beat in terms of taste and value for money. Walang sayang. HIGHLY RECOMMENDED specially for FOREIGN tourists!!
6th: EMBARCADERO de LEGAZPI MALL
Legazpi Port,Victory Village
Legazpi City
Dito kame jumoin ng gabi ng birthday ko. Embarcadero is like the MOA of Legazpi.It's a huge mall with different stores and restaurants along the seaside.Hindi naman talaga dapat kame dito pupunta pero dito na kame napadpad so join na!
ang walang kamatayang ENSALADA-check na check sken ang timpla ng suka na hinalo dito. May tamis anhang ang peg.
SINIGANG na BABOY- Eks.( wala na kong masasabing iba pa, isang higop pa lang wa ko na bet)
MIXED SEAFOOD- pwede na kesa wala.
PANCIT - pampahaba ng buhay daw dahil birthday ko. Pero ni isang hibla ng pancit hindi ko tinikman dahil itsura pa lang wala ng dating saken.
Maganda ung place, malamig at masarap maglakad lakad. Mali lang siguro kame ng nakainan na stall sa seaside.
Naisip ko na next time na mapadpad ako ng Bicol dapat ready ako ng diatabs or loperamide. hahaha
Siguro nanibago lang ang mga tyan namen sa sobrang anghang ng mga fudang. Pero the best ang mga pagkain!!!!
Masiramon an pagkain na iniyo bicolanos!!!!! tama ba?!!!!
LOVE LOVE LOVE!!!
One Response to “WHERE TO EAT IN BICOL?”
I find your post funny and interesting. Walang patweetums na comment, walang kaplastikan. totoong totoo lang.nakakatawa siya and I dint find it boring. Ive been wanting to visit Bicol. Hope you could post tje rest of your itinerary and the Misibis staycation. thanks.
Post a Comment