Isang simpleng maliit na restaurant sa the fort,pero halos kilalang mga tao ang kumakain dito.Sobrang curious ako sa resto na to dahil lage kong nakikita ung mga instagram ng mga kapwa artista ko na kumakain dito (hehe,wag na kau umangal blog ko to). Matagal ko na po 'tong nakikita sa the fort, nagtataka pa kame ni vladz kung bakit pagpumapasok kme sa gabi eh madami pang tao hanggang sa pag umuuwi na kme ng 10 ng umaga marami pa rin.Huminto kame minsan para icheck ang menu nila,pero di nako nag dalawang isip kumain dito sa nakita kong presyo(kaya umalis din ako kaagad).Anu nga bang meron sa WILDFLOUR?
Isang araw nagkayayaan kaming kumain nila gherri at monch. Naisip namen subukan to (tutal kakasweldo lang) sabi namen sige ngaun kung hindi masarap at atleast natry namen,kung masarap naman eh di ok, kase sulit ung binayad namen,db? Kaya go kame after shift. Wala pang masiadong tao at ilan lang sa tables ang occupied. Mga young professionals halos katulad namen ang nanduon,ung iba foreigner, ung iba artista.
Guess what? Katabi ng table namen sila solenn heaussaff. (Hahaha,swerte!)
Si gherrilicious having breakfast with madam solenn her twin. lol
Simple pero elegante. Sa upuan,table hanggang sa mga display para kang nasa ibang bansa.haha.
Isa raw sa mga pinasikat ng wildflour ay ang CRONUTS. Tinanong namen sa waitress kung available ba ito, surprsingly Hindi haha. Napag alaman namen na walang definite time ang pag gawa nila ng Cronuts.kumbaga chamba chamba lang. Walang special na araw at oras. Its either umuwi ka ng luhaan or magantay ka sa wala hehehe.
Eto ung menu.Walang pictures, walang kulay at walang pakulo... Isang simpleng papel, hmmm medyo dirty na, may mga stains na ng fudang yung iba naman, mga finger print. Hindi aprub sken ito. Unang una,hindi malinis tignan, pangalawa lukot lukot na ng konti dahil simpleng papel lang naman siya at pangatlo mahirap mahaba at mahirap basahin ang nakasulat.haha
Pag pumasok ka, makikita mo sa loob ang mini bakery nila. Ang cute ng mga cupcakes,parang ayoko kainin,ung tipong pwede mong ipa frame na lang at idisplay sa bahay.
Pero aanhin mo naman ang ganda ng lugar at ang mga sosyal na taong kumakain dito kung hindi ka naman matutuwa sa pagkain na sineserve nila diba? So ito na ang challenge for us 3, ang basahin ang menu at alamin kung alin dito sa mga ito ang masarap na orderin (na hindi kame magsisisi) at kung saan makakamura kame..Hmmmmm. Una, maciadong mahaba ang pangalan ng halos lahat ng pagkain ng nasa menu. 2nd, some of the words are french (Im filipino) haha anung connect?(mahirap basahin).3rd,we have to control our budget sana.Well, ang nabasa lang ata namen ng maayus ay ang pudding. hahaha!!! (kidding).
We asked the waiter (englisera ng konti si ate) if she can recommend something good for sharing, sabi nia lahat halos naman ng nasa menu ay malaki ang size. Dumating kame ng maaga but we wanted to try the main courses at hindi ung pang breakfast , hindi pa daw pwede umorder ng lunch hangga 11am. So, we waited 30 more minutes to order lunch. (Meron din naman silang all day breakfast) infairness.
Monching busy reading the menu (nosebleed)
Since we still have to wait till 11 to order lunch, nag pauna muna kame ng something na pwede nameng kainin while waiting...
BREAD PUDDING PHP180
Best pudding I've ever tasted so far (totoo!) hindi ko alam kung dahil ba sa mga ordinaryong bakery lang ako bumibili ng pudding o anu, pero iba to, lalo pa at inantay namen ng mga 20 minutes at sinerve ng mainit init at umuusok pa na may vanilla milk? D best. Crunchy on the outside and so soft on the inside. You will never go wrong sa pudding na to.
BAKED AS YOU ORDER. My instagram photo.
Lumaki lalo ang expectation ko sa mga inorder namen for lunch dahil sa pudding. anu kayang susunod?
TART FLAMBEE PHP 425
Caramelized onion,bacon,gruyere
Dont expect too much or ull get disappointed sabi nga nila. Bakit ba namen ito inorder? dahil kay ateng waiter.
tinanong namen sa kania kung anu ang good for sharing sa knila, and she suggested this na sa buong pag aakala ko ay parang pizza na good for 4 daw sa pagkakadescribe nia. Pero, HINDI HINDI HINDI. haha.
LASA? sakto lang din. may pag ka matamis dahil sa caramel, at good for 2 lang talaga siya.
SO nipis and So liit. kaya SO-SO lang. hehehe
Main courses:
CROQUE MADAME PHP 420
My order
Ham, Gruyere, and fried egg on top
Hmm. Sabi nia ate isa daw to sa mabenta sa wildflour. It tastes good pero its nakakasuya at the same time
Dapat more water ka. Heavy meal. I can say that this one is good for 2.
SHORTRIBS SANDWHICH PHP410
Monching's
Caramelized peppers and onions,mozzarella,grilled ciabatta
May kasama na po itong fries. Natuwa kame dito kase meat ung pinaka filling nia. Masarap specially if you put hot sauce (tabasco).Masarap din ung salad. Sakto.
GREEN TEA MOJITO,PINEAPPLE,BASIL PHP 220
Non-alcoholic drink
BUCATINI PASTA PHP420
Gherri's
good morning sunshine
PHP 220 strawberry, pineapple, mango, banana, yogurt, agave
Well, I expected too much. Hmm mejo overrated siya para sken. Siguro dahil nga ang madalas na ang kumakain ay mayayaman,artista at mga young professionals kaya ganun.. The taste is good but the price is bad. hahaha. Still i would recommend for you guys to try this resto (baka mamaya ang makabangga niyo na si Greta (ung friend ko). hehehe.
P.S.
Mas lalo akong nalula ng nakita ko po ito.
haha...ENJOY!!!!
Para sa may mga tanong o kaya kung gusto niong magdagdag ng information pwede po kayo magiwan ng comment.Salamat!!
3 Responses to “WILDFLOUR (gaano ka ba ka wild???)”
Shala! Ikaw na
nagbrowse lang ako. read your shrimp bucket blog, read your wildflour blog, natawa ako, very entertaining ka, hehe
thank u at naentertain ka sa pag basa sa blog ko...hahaha kung sino ka man... =) follow mo ko ha
Post a Comment