LEGOLAND (MALAYSIA TRULY ASIA!)

Another late post sa mga trip namen ni Vlads.Mejo wala lang akong time magsulat lately dahil mejo busy sa work.(busy sa work??????????) hehehe. Minsan hayaan nio na lang kung feeling nio nagpapanggap akong busy. Anyway,we booked this trip through cebupac last Dec of 2012. Another promo na lagi namen inaabangan ni vlads.A trip from Manila to Singapore- Singapore to Manila, isiningit ko na lang po talaga ang Legoland Malaysia para naman masulit namen ang bayad at siyempre para mag ka tatak na din ang passport since malapit lang naman po sa SG.



I really love planning ahead of time so we wont have to worry,pag nandun na kami sa lugar na pupuntahan namen,lalo na at kasama namin ngaun ang mom ni Vlads ,kaya naman halos lahat ng trips namen ako ang nag-oorganize. Knowing na hindi kami familiar with the place,I used google to search for affordable tourist package going to Legoland. Luckily, I found EASIBOOK that offers bus tickets from SG-Malaysia with tours included na.

Easy steps:
1.Enter your from and to (destination)- malamang kung saan ka magmumula at paroroon db? So sa easibook kc, may mga pick up points sila sa SG.Kaya dapat ang piliin mo is ung malapit na sa hotel o sa tutuluyan mo para naman hindi ka na mag bayad pa.
PICK UP POINT: Lavender MRT- nanggaling kasi kami sa Sengkang na nasa halos dulo na ng Mrt nila kaya ang pinili ko talaga eh yung connect na lugar para sa amin.

2.Enter the dates and time of your departure and return- depende to ngaun kung ilang araw mo gusto mag stay sa Malaysia. So kame, isang araw lang(balikan) pero we were given 7 days to stay in Malaysia sa immigration.

3.Enter the coach company and the no. of pax- para sa akin ilagay nio na lang na ANY sa coach company para lahat ng company at prizes makita nio.

4.Click search at lalabas na ang results. Its up to you if you want additional attractions aside from LEGOLAND.Choose your seat number,add it to your cart and make a payment.
They accept almost all types of credit card.
additional attractions: Hello kity town, Lat's place at little big club.

Remember to print all the documents specially your tickets!

Travel time - 45mins to 1 hour depende kung gaano karami ang turista na pumapasok sa Malaysia.
From the immigration, my drop off point ang mga bus aakyat lang kayo (at para hindi maligaw, sundan nio lang ung mga kapwa nio turista at syempre huwag din aanga- anga) joke lang.
Coach company requires tourists to arrive 1 hour ahead of the departure time kaya naman sobrang maaga kami dumating. Orkots ako baka maiwan ako at masayang ang $201 na binayad namen. The reason behind this is because they would gather all the passengers first,check your tickets and give you stickers na ikakabit sa damit nio.

Things to bring (lalo na pag may mga kasama kayong bagets):
Sunscreen lotion
Bottled water
Hats
Extra clothes
CAMERA


It was my first time in Malaysia and the moment na makita ko cia akala ko nasa Pinas lang ako.
Mainit at malagkit sa katawan ang hangin. Legoland is the first International theme park in Malaysia kaya halos lahat ng tourist all over Asia ay pinupuntahan to. Hindi pa siya ganun ka fully built dahil kelan lang naman cia inopen talaga sa public.May mga ilang parts na under construction pa at wala pa ding masyadong puno sa paligid.

Driving school for kids: (ipinilit ko ang sarili ko)

Albert Einstein's face made with LEGO! astig!

My muji-in-law striking a pose on this huge Egyptian lego

Pugutan na yan!!

FOOD- There are several restaurants and snack stalls inside Legoland medyo mahal lang ng konti pero pag nasa loob ka na hindi mo na kase gugustugin pang lumabas para maghanap ng kakainan pa.Hindi ko na maalala yung presyo pero eto ung kinain namen sa loob. Grilled chicken with fries and Nuggets with fries, combo package siya na may kasama ng drinks. Hindi na kami nakapag pa palit ng Ringgit kaya Singapore dollar ang binayad namen kaya mejo napamahal kame. So kapag SGD and binayad nio ang isusukli nila sayo ay Ringgit.Mejo konti lang naman ang difference kaya ok lang.


 A super cute restaurant!

My fave part,MINI LAND!
sobrang nakaka amazed! Sinong makakaisip na gumawa ng ganito? Every part and detail of it is made of LEGO. You'll see different spots from KL,SG,INDIA,CHINA, LAOS,VIETNAM,THAILAND,BALI,INDONESIA at akalain mo andun din ang PHILIPPINES!

BRUNEI

MYANMAR


Di ko maalala kung saan ito. Kayo na ang bahala magisip! hahaha


My Instagram photo: TWIN TOWERS KL with my muji-in-law (parang true lang ung building diba?!!!)


Beat the heat people! You have to drink plenty of water while you tour mini land. Grabe! pawisan ang peg ko pero dedma na makapagpa picture lang!


CRAZY rides for CRAZY PEOPLE: hahaha J.O.K.E
Hinding hindi niyo po kase ko mapapasakay sa mga ganitong klaseng rides:

PROJECT X - a super wild lego ride for 2. tinitignan ko pa lang siya feeling ko mamamatay na ko


DINO ISLAND- parang wild river ng pinas. Hindi ko din to kakayanin!


Kung gusto nio na mag chill at hirap na hirap na kayo sa init ng araw,may paraan naman jan..Pumasok kayo sa LEGO ACADEMY. kunwari play play kau ganian, bumuo kau ng mga kung anu anung keme para makapag pa aircon kau!! hahaha. Pero pag may kasama naman kaung kids Im sure mag eenjoy sila dito.



Lastly, eto ung place na gusto ng mga kiddos ang mag uwi ng lego!!! hahaha. Nasa bandang entrance siya so dito mo kukunin ung mga pictures nio at dito ka din bibili ng mga lego items.


There you go!!!! for me na enjoy ko ung Legoland kahit na one whole day lang. I had so much fun bonding with my muji-in-law and Vlads. Just like any other theme parks, it has a lot to offer para sa mga kids at sa mga katulad kong kid at heart ( in other words, isip bata) hehehe.

I just hope to see more trees in the park when I come back (wish ko lang db?!) para naman kahit paano mejo ma-absorb nia ang init ng araw.

Don't forget to be on time pag pauwi na kau. Make sure na nasa labas na kau ng Legoland 1hour before ng departure time niyo, kundi iiwanan ka ng driver.

Hope you enjoy reading my blog!!! See you again Legoland!!!!

This entry was posted on Wednesday, November 6, 2013 and is filed under ,,,. You can follow any responses to this entry through the RSS 2.0. You can leave a response.

Labels

About

Popular Posts

Followers

THANKS FOR VIEWING

my instagram

B