Una sa lahat,gusto kong magpasalamat dahil walang sinuman sa mga kapamilya namin ni vlads
ang nasaktan o napahamak sa sakunang ito.Bagamat hindi kami nadamay sa nangyari,
bilang Pinoy, nakakalungkot isipin na madami sa mga kababayan naten sa Visayas lalong lalo na sa Tacloban ang kailangang makaranas ng ganito.
Wala naman sa atin ang gustong mangyari lahat to, pero bakit Pilipinas pa?
Bakit hindi na lang yung mayayamang bansa?Dahil alam natin na madali silang makakabangon at mas may sapat silang kakayahan para matulungan at masagip ang mga tao.
Bakit sunod sunod na kalamidad?
Mga tanong na hindi ko masagot at maipaliwanag gamit ang sarili kong kaisipan.
Ang alam ko lang, lugmok at hirap na ang Pilipinas para makabangon sa ganitong sitwasyon.
Maliban sa tibay ng loob,malambot na puso at lakas ng pananampalataya,
ang natitira na lang nating sandata ay ang ISA'T ISA.
Ang pagkakapit kapit naten ng kamay at pagtutulungan ang makakatulong para sa karamihan
na malampasan ang ganitong pagsubok.
Madaming nagsasabi na wala silang paraan para makatulong dahil wala naman
sila sa lugar ng pangyayari,pero MALI dahil maari tayong makatulong sa simpleng bagay lang.
Panalangin, ang pinaka malaking bagay para sa akin.
Ipagdasal natin ang bawat isa, hanggang sa marinig NIYA ating PANGINOON na tayo ay nagkakaisa.
Hanggang sa maramdaman NIYA ang tapat at umiiyak nating mga puso, at tuluyan
nyang hilumin ito.
Magbigay tulong. Isa kong call center agent at wala rin akong kakayahan
para mamahagi ng malaking halaga o pumunta sa Visayas agad agad para magbigay alalay
sa mga nangangailangan,pero hindi dapat doon nagtatapos yun.
Napaka daming paraan at napaka daming pwedeng gawin para makatulong.
Maliit o malaki, ang tulong ay tulong.
Nagsusumigaw ako, lalo na sa mga kapwa ko Pilipino na ipakita naten
at iparamdam naten sa bawat isa ang pagkakaisa.
Nagpapasalamat ako sa iba't ibang bansa na patuloy na tumutulong at gumagawa ng paraan
upang mabigyang daan ang ating pagbangon.
Umaapila ko sa mga Government officials na sana naman ipagpaliban muna ang kontrobersiya
at isipin muna ang kapakanan ng mamamayan bago ang sarili nila.
Kumilos tayong lahat.
Balang araw,titingin tayo pabalik,lilingon at sasabihing
KINAYA NATIN ITO,DAHIL SAMA SAMA TAYO.
Magkakaisa,babangon at unti unting ibabalik ang ngiti sa labi ng bawat isa.
Magiging mas lalong MATATAG at MATIBAY ang loob.
SIMULAN NA NATEN! NOW NA!
Pwede po tayong tumulong sa pamamagitang ng pagbili ng T-shirt.
pumunta lang po dito sa site na ito: http://www.lazada.com.ph/ itype sa search box ang
"TULONG KAPAMILYA SHIRT" o gamitin ang link na ito http://www.lazada.com.ph/abs-cbn-yolanda-tulong-na-tabang-na-tayo-na-t-shirt-white-93802.html pumili ng size,piraso at bayaran:
Tumatanggap po sila nmg debit/credit card, CASH ON DELIVERY,BDO installment,Megalink at paypal.
Available din po ang mga shirt sa AYALA MALLS like ALABANG TOWN CENTER,GLORIETTA,MARKET MARKET,TRINOMA,GREENBELT,FESTIVAL MALL.
AMOUNT: PHP250
SIZE: S M XL
SHIPPING CHARGE: PHP55
NO SHIPPING CHARGE IF YOUR ORDER IS MORE THAN 1K.
Naka-order na ko, ikaw kailan?
o kaya naman pumunta kau sa http://www.abs-cbnnews.com/tulong para mamili kung anung gusto niyong klaseng tulong ang ipaabot ninyo.
kung meron naman kayong nawawalang kamag anak o kung may impormasyon kayo sa mga taong nawawala pumunta kayo sa http://www.abs-cbnnews.com/personfinderyolanda
Sa mobile donations naman na kayang kaya ng mga students natin jan. Wag niyo muna gastusin ang load ninyo dahil sa halagang PHP5.00 makakatulong na kayo:
SMS:
Text RED<space>AMOUNT to 2899 (Globe) or 4143 (Smart)
G-Cash
Text DONATE<space>AMOUNT<space>4-digit M-PIN<space>REDCROSS to 2882
denominations:
Globe: 5, 25, 100, 300, 500 or 1000
Smart: 10, 25, 50, 100, 300, 500 or 1000
or visit niyo na lang and website ng redcross http://www.redcross.org.ph/donate.
Tandaan naten sa maliit na bagay makakatulong tayo.
Ikaw ba nagawa mo na ang part mo bilang Pilipino?
AJA!!!!!
Post a Comment