WEEKEND ROADTRIP (NUVALI & TAGAYTAY) ALL IN ONE WHOLE DAY.

Nagumpisa ang lahat ng ito ng magplano kame mag wakeboard sa Calatagan Batangas, ending nauwi kame sa NUVALI AT TAGAYTAY.Hindi namen namalayan weekend na pala. hindi planado,walang tutulugan,hindi alam kung san mag oovernight pero sure ang mga sasama. Gherri, Monch ,Vladz,Carl at ako. Dahil walang plano,sige lang ng sige. 

Saturday morning : 10:00AM
Si gherri may sakit
Si Monch tinatamad dahil may lakad
Ako, wala lang
Si Vlads kahit anu ok
Si Carl ready na sumunod

EASIEST  route: TAGUIG> take SLEX > exit STA ROSA>NUVALI

First stop: PASEO DE STA ROSA


Para sa mga taong mahilig mag shopping at mahilig sa outlet stores. Tamang tama para sa inyo to.
Marerelax ang mga mata nio ng sobra sa dami ng mabibili,hindi nga lang ang wallet.

Listahan ng mga BRANDS na makikita sa PASEO:
CINDERELLA,ESPRIT,GIORDANO,NIKE,NINEWEST,CROCS,AEROSOLES,LEVIS,ADIDAS,BENETTON,GAP,
ALDO,IPANEMA,HAVAIANAS,CHARLES&KEITH
Luckily,sa Giordano lang kami nakabili haha.



More lakad lang kame sa Paseo,mejo mainit, pero ok lang.Hindi kame masiado nagtagal sa Paseo dahil wala naman kame balak magshop at unang store palang nakapag shop na kame kaya ok na kme so dumirecho na sa susunod nameng agenda, yun ay ang kumain ng masarap na bulalo!!!

2nd stop: Rose & Grace Sta. Rosa


Anu ang meron sa Rose & Grace? Eto lang naman ang kainan na sikat sa kanilang BULALO!!!!
Malaki at kaya yatang mag accomodate ng 100 na tao. Pwede sa kasal, birthday,party o kahit anung okasyon. Ituro mo at iseserve ko ang style ng resto na to. Lahat ng pagkain luto na, pupunta ka lang sa counter sasabihin mo ang gusto mo, ipapainit nila at iseserve sa table mo ng mainit init at umuusok pa.

                                      


ENSALADANG ITLOG NA MAALAT


ENSALADANG MANGGA NA MAY BAGOONG



TAWILIS
Sardinella tawilis (sometimes obscurely referred to as the Freshwater Sardinella) is a freshwater sardine found exclusively in the Philippines. It is unique in that it is the only member of the family Clupeidae that is known to exist entirely in freshwater. Locally, they are known in Filipinop as tawilis. Eto naman po ay naayun sa wikipedia. Isa po sa pinagmamalaki ng mga taga Tagaytay madalas ang ang kanilang Crispy Tawilis,kaya po para sa inyo na papasyal dito, wag nio kalimutan ang crispy tawalis.




BULALO
is a beef dish from the Pinas. It is a light colored soup that is made by cooking beef shanks and marrow bones until the collagen and fat has melted into the clear broth. Bulalo is native to the Southern Luzon region of the Philippines. Thank you wikipedia for that very good explanation on what this is.


7 rice agad ang inorder nila. parang walang bukas. Good thing about Rose & Grace ay ang bottomless sabaw ng Bulalo(hahaha). So kung tag tipid po kayo more sabaw na lang kau kase sabaw pa lang ulam na.


At para po patunayan na the best ang Rose & Grace pag pasok mo pa lang ng restaurant ay makikita mo na ang ibat ibang awards nila. PANALO.
Rose and Grace Restaurant
Sto. Tomas, Batangas & Sta. Rosa, Laguna, 4234
(043) 778-1052 (049) 541-1073

3rd stop: NUVALI



Napakalapit sa Rose and Grace pwede nio nga po lakarin kung gusto nio. Sa gabi pwede kau mag jogging dahil po napaka peaceful at relaxing ng lugar. Meron ding shopping area ung iba outlet ung iba hindi. Ang maganda dito ay ung mga ibat ibang kainan.


Pag mejo pagod na kau mag ikot ikot, pwede naman kau umupo sa gilid, magmuni muni at mag pictorial katulad namen.


And if you guys are tired of sight seeing and mejo gutom na kayo you can go sa CONTIS to have dessert!!! 

You might want to try MANGO BRAVO ang kanilang best seller.


O kaya naman ang NEW YORK CHEESECAKE nila


Tapos magchikahan kayo sa labas ng ka date mo or ng family and friends habang nag co-coffee.


4th stop: TAGAYTAY BAG OF BEANS


Bag of beans
115 aguinaldo highway
Mendez crossing, west
Tagaytay city

Bago pa man din kame bumaba ng sasakyan, naamoy ko na ang napaka bangong amoy ng tinapay.
Hindi oa, pero talaga namang abot hanggang labas ang amoy nito, Mukang maliit ang bag of beans sa labas pero pag baba namen napansin ko na napakaluwang pala
May indoor at outdoor,may smoking and non smoking.(Tarrrray!!)Sa mga nabasa kong blogs dati, sobrang sarap at sikat daw ang bag of beans kaya naman dinayo talaga namen cia.






We opted to stay sa ma ala nature nilang area, na may vines vines effect pero hindi rin kame nagtagal kc mejo may lamok effect din kaya nagpalipat kame sa cabana.


Dahil busog na busog pa kame at ayaw at hindi din namen gustong kumain ng heavy, nagtanong kame kung may masusuggest ba siya na anything na light lang pero masarap at good for sharing
Sabi nia we should try daw the 
"SHEPERD'S PIE".



Hindi kame na satisfy, walang epek, as in wala. Sorry ha , pero wala talaga. So sabi ko bigyan pa naten sila ng isang chance.  Umorder kame ng APPLE CRUMBLE at BLUEBERRY CHEESECAKE, buti na lang mejo nakuha na nila ang kiliti ng tonsils ni gherry at monch. Kaya ok na smen. Si vlads naman nag order ng coffee (bottomless).Ung tipong hindi ka makakatulog hanggang kinabukasan. Infairness sa cofi nila wala ding epek. Hahaha.(parang naalala ko plakda si vlads pagdating namen sa balur)





Ang cr, walang tubig, magkatapat ang babae at lalake walang harang so pag lumabas ka ng cr makakasalamuha mo lahat ng nakapila lalake man o babae. Ayaw mo pa? (Pabor k gherri) haha

BAG OF BEANS: X hindi ko cia babalikan. Mag sstarbucks o kaya naman bulalo na lang ako ulit.

5th: the new tallest ferris wheel on earth ( este in the Philippines pala)

Entrance fee: 50 per head/adult
Ferris wheel ticket: 100 per head/adult

-mahaba habang pilitan. Orkots kase akes! Pero ok lang naman pala cia masarap ang feeling para naka high lang. Hahaha charot lang!




Our last stop: STARBUCKS
the new starbucks with nakakalokang parking,see it to believe it.haha
If you wanna feel tagaytay's cool breeze then starbucks is the perfect place. 
Coffee,bonding, yosi, aral, o kaya naman alone time pwede din.

    





Finally natapos na ang plastikan (keme) napagod na din kami. Ending umuwi na din kame.Wala ng lakas ang mga beki friends ko.Masaya cia, try nio din para naman hindi puro usok sa maynila ang nalalanghap nio. Sa uulitin!!!!!

This entry was posted on Friday, October 18, 2013 and is filed under ,,,,,,,,,,,,,,. You can follow any responses to this entry through the RSS 2.0. You can leave a response.

2 Responses to “WEEKEND ROADTRIP (NUVALI & TAGAYTAY) ALL IN ONE WHOLE DAY.”

Labels

About

Popular Posts

Followers

THANKS FOR VIEWING

my instagram

B