MI ARRABBIATA PASTA

Una sa lahat, gusto ko lang po sabihin na hindi ako cook o chef o kung anu pa man, isa lang po akong taong mahilig magluto at kumain at magfeeling. hehe. (madalas ung magfeeling). Madami po akong gustong lutuin na hindi ko kaya. Pangarap ko din kaseng mag aral sa culinary kaso mahal. Kaya ang peg ko more imbento or more gaya sa ibang recipe. Minsan palpak, minsan winner. from now on, mag shashare na ko ng mga recipes ko dito sa blog ko para naman ung mga ibang katulad ko din maging happy. (hahaha). Nagresearch research ako ng konti para sa inyo (salamat sa wikipedia).Anu nga ba ang Arrabbiata?


ARRABBIATA-  Arrabbiata sauce, or sugo all'arrabbiata in Italian, is a spicy sauce for pasta made from garlic, tomatoes, and red chili peppers cooked in olive oil. "Arrabbiata" literally means "angry" in Italian, and the name of the sauce is due to the heat of the chili peppers

Matagal ko na 'tong gusto lutuin, wala lang time. haha.

Ingredients: (sangkap)

2 buong bawang
1 red bell pepper
1 can diced tomatoes
pepper and salt
2 cayenne pepper (siling pula)
imitation crab meat or chicken

1. Hiwain ng maliit ang bawang, sili at red bell pepper. wag kang siosionga sionga, wag hawakan ang mata habang naghihiwa ka ng sili.ok?



2.Hiwain din ang imitiation crab, maaring pahaba o paslant. Pag naman chicken meat ang  ginamit. pakuluan muna ung chicken saka mo himayin ang laman. Wala lang po kase akong chicken nung nag luto ko sa I used my brilliant mind to come up with a remedy. Buti na lang meron kameng imitation crab na stock sa ref 1 year ago pa (JOKE!!!)


3.Pakuluan ang penne sa kumukulong tubig na may salt at oil ng konti. Para may lasa at di mag dikit dikit. pagtapos kung feeling nio al dente (hindi matigas maciado at hindi din malambot maciado -pasta po ang tinutukoy ko dito hehehe) na cia pwede nio na pong ihango at banlawan sa tubig saka nio po idrain.


 4. Itabi nio po muna ung pasta. Time for u to make gisa. Nabasa ko na ang bawang mas magiging malasa daw kapag nilagay nio sa oil bago nio pa i-on ang apoy. So ilagay nio muna ang oil (kahit anung klaseng oil po pwede, kung walang olive oil pwede din naman ung mantikang tulog sa tindahan ni aling nena) wala pong kaso, pero dahil me nagbigay samen ng olive oil from italy (naks.pero totoo) un ang ginamit ko.
Una bawang,isunod ang sili at red bell pepper,crab meat. patagalin ng konti ang pag gisa hanggang sa maging mapula pula na ang bawang.(wag maciadong sunog o tostado dahil hindi naman mani ang niluluto mo)hehehe.

                  
                             




5. Ang crab meat madali lang naman maluto, kaya pag alam mo ok na, pwede mo na ilagay ang diced tomatoes. Isang latang malaki ang binili ko ung 800g na lata, kc nag compute ako kung dalawang lata na tig 410g 5oplus ang isa bali 100php, pero pag isa lang 7o plus lang. (ang talino ko ba?)hehehe


6.Since nanghuhula lang ako at di ko naman talaga alam ang mga sukat sukat ng ganian, pinagana ko ang galing ko sa pag tancha. Nagdagdag ako ng konting tubig mga kalahati ng tasa para hindi maciado malapot ang sauce ung tamang sakto lang. Pinakulo ng kaonti mga 3-5 minutes, napansin ko pag pinakulo mo pala cia, lalapot at lalapot cia ng konti dahil sa diced tomatoes. Ilagay ang durog na paminta at asin para magkalasa. Depende na sa inyo kung gusto nio ng maalat o hindi. so sakto lang. Patayin ang kalan pag sa tingin nio ok na, saka ilagay ang pasta. 500g ang niluto kong pasta  pero hindi lahat un nagamit ko, may konti akong tinira dahil baka d na magkasya ang sauce.



7. Ihalo ng maigi. pero please make sure na hindi nio dudurugin ang pasta sa paghahalo. Tamang saktong halo lang, saka mo buksan ulit ang apoy ng kalan.



8. TADAAAAAAAAH!!!!! luto na ang pasta ARRABBIATA mo!!! kainan na!!!!

      SILI!!!!

                          

Mas ok kung lalagyan nio ng parmesan cheese at oregano. Mas pang italiano ang style!!!!


Naisip ko lang, mas masarap siguro sya kung mas madami ng konti ang sili. Itry nio din ung chicken meat.
sana nag enjoy kau!!! good luck!!!!

Para sa may mga tanong o kaya kung gusto niong magdagdag ng information pwede po kayo magiwan ng comment.Salamat!


This entry was posted on Thursday, August 1, 2013 and is filed under ,,,. You can follow any responses to this entry through the RSS 2.0. You can leave a response.

One Response to “MI ARRABBIATA PASTA”

Anonymous said...

more more more..

Labels

About

Popular Posts

Followers

THANKS FOR VIEWING

my instagram

B