SINO SIKAT?

SINOSIKAT.Isa sa pinaka pinapakinggan kong local band naten sa Pinas. Hmm..hindi ako fan na fan ng mga banda pero pag trip ko talaga yung kanta hindi ko nakakalimutan. Hindi ko madescribe kung anung klase yung tugtugan nila eh hahaha kase di naman ako magaling sa mga ganun. pero ung kanta ng sino sikat nakaka chill ng utak, nakakarelax. andito ung 5 sa mga paborito kong kanta nila sa una nilang album,baka sakali magustuha nio.

1.AKIN KA-pinaka paborito ko sa lahat. Hindi siya nakakasawang pakinggan. nakakaakit. Simple pero hindi madali sundan ung tono. Makahulugan at Makamundo ang lyrics. Para to sa mga babaeng may lihim na pagtingin sa iba.

2.PRANING- kanta ng mga mahilig chumongks. kung di nio alam kung anu yun wag nio na alamin (maprapraning lang kau). Masarap to patugtugin sa umaga,ung pag gusto ko kumuha ng energy.perfect!


3. PRAYER-Naalala ko, eto ung kinanta ko nung mga oras na wala akong trabaho, wala akong pera,at ang pinaka masakit sa lahat walang love life. Zero!!! nakatulong to.katuwa, nakakagaang ng pakiramdam. Totoo ang lyrics, nangyare na sa akin sa totoong buhay.

4.SINO?- lakas maka angas ng kantang to. para to sa mga kaaway ko, haha. paki pakinggan nio please lang.


5.MAGIC- Para sa mga inlababong tao.naging kanta ko din to, kaso.....ung kinantahan ko neto dati walang kwenta.haha. pero ganun talaga.Dito sa kantang to umiikot ang buhay mo sa taong mahal mo, na para sa akin hindi naman makakatotohaan at malayo sa realidad. Naisip ko hindi pwedeng lageng ganun, kase bago ka magmahal ng iba ng sobra, kelangan mas mahalin mo muna ang sarili mo. pero naniniwala naman ako na sa pag ibig may magic.

Masarap pakinggan ung kanta nila. May malalim may mababaw, may mabilis may mabagal pero ang maganda makakarelate ka. Sexy at maganda si kat ung vocalist nila kamuka ni Pinky Amador. try nio lang pakinggan pag nagustuhan nio balitaan nio ko.

Bisita kau sa website nila http://www.sinosikat.com/


Para sa may mga tanong o kaya kung gusto niong magdagdag ng information pwede po kayo magiwan ng comment.Salamat!

This entry was posted on Friday, July 26, 2013 and is filed under ,. You can follow any responses to this entry through the RSS 2.0. You can leave a response.

Labels

About

Popular Posts

Followers

THANKS FOR VIEWING

my instagram

B